56 anyos na lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang 56 anyos lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Cabangan bayan ng Camalig, Albay.

Kinilala ang suspek na si Darwin Villanueva Alberto, beautician at residente ng Purok 1, Brgy. Sumlang ng nasabing bayan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon kung saan pinagbentahan ng suspek ang poseur buyer ng medium heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang “shabu” na may timbang na 0.2 grams.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nang makaabutan ng item, agad itong inaresto kung saan narekober sa kanya ang buy-bust money na nagkakahalagang PHP15,000.

Agad naman itong dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukalang disposisyon.