Sara Duterte, denepensahan ang kanyang trips sa gitna ng banta ng COVID sa Davao City

Dumepensa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang trips sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para komonsulta kaugnay sa pulitika sa gitna ng COVID-19 crisis.

Si Duterte-Carpio na hinihikayat na sumunod sa yapak ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na bumaba ito sa pwesto ay nagbiyahe nitong nakalipas na mga linggo at nakipagpulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Pasay City, Cebu Governor Gwen Garcia sa Cebu, at Zamboanga City Mayor Beng Climaco.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Kaugnay nito, nagpahayag ang alkalde ng pagiging bukas na tumakbo pagkapangulo.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Giit ni Inday Sara, totoong may pandemya, pero hindi masuspende ang paghahain ng certificates of candidacy sa Oktubre o pagpapaliban sa halalan sa May 2022.

Dagdag nito, kailangan siyang gumawa ng desisyon kaugnay sa kanyang political career may pandemya man o wala.