51K apektado ng mga Bagyong #EgayPH, #FalconPH, nananatili pa rin sa mga evacuation centers

Nananatili pa rin ang 51,500 na mga indibidwal na naapektuhan ng magkakasunod na Bagyong Egay, Bagyong Falcon, at ang umiiral pa rin na Hanging Habagat sa iba’t ibang evacuation centers sa bansa.

Sa huling tala ng NDRRMC, lumabas na ‘di pa rin makauwi ang naturang bilang ng mga bakwit na nananalagi pa sa 648 evacuation centers mula sa Regions I, II, III, VI, CALABARZON, at sa MIMAROPA.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa kabuoan, umabot sa 51,593 ang bilang ng mga displaced persons.

Lumobo pa ang halaga ng pinsalang naidulot ng nagdaang Bagyong Egay at ng Habagat.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon sa NDRRMC, sumipa pa sa halos P2.8Billion ang pinsala nito sa agrikultura.

Mayroon ding naapektuhang mahigit sa 108,000 na mga magsasaka’t mga mangingisda.

Sa imprastraktura naman, mayroon 506 na mga damaged infrastructures na nagkakahalaga ng mahigit P3.6Billion.
#