DTI, mahigpit na binabantayan ang presyo ng mga school supplies

Halos isang buwan bago ang pagbabalik eskuwela – tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit nilang binabantayan at mino-monitor ang presyo ng mga school supplies.

Ayon kay Usec Ruth Castelo ng DTI-Consumer Protection Group – mayoron na silang mga na-monitor na bahagyang pagtaas sa presyo nito sa mga pamilihan.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Hindi raw ito maiiwasan lalo na’t nagtaas din ang presyo ng mga raw materials para rito.

Sa kabila niyan, nag-isyu na sila ng price guides para sa mga school supplies na maituturing din bilang mga prime commodities.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Sa ganitong pamamaraan ay masisigurong abot-kaya pa rin at makatwiran ang mga presyo nito sa mga bookstores at iba pang supplies stores.
#