51 pamilya, inilikas dahil sa malakas na hangin at alon sa Brgy. Bancao- Bancao, PPC

Inilikas ang nasa limampu’t isang (51) pamilya mula sa baybayin ng Barangay Bancao- Bancao sa Puerto Princesa City dahil sa malalakas na alon at hangin.

Ayon kay City Information Officer Richard C. Ligad, bandang alas- nwebe kagabi nang ilikas ang mga pamilya na binubuo ng 162 na indibidwal at dinala sa evacuation center sa Mauricio Reynoso Sr.Memorial Elementary School at Jacana Annex School.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ngayong umaga ay patuloy ang pamamahagi ng mga relief goods, pagkain, inuming tubig at mga higaan sa mga apektadong pamilya.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Kaugnay nito, nakabantay naman ang mga tauhan ng BDRRMO, CDRRMC at mga opisyales ng barangay sa mga residenteng inilikas.