50,000 tilapia fingerlings, ipinunla ng BFAR Bicol sa Bacolod river sa 450th founding anniversary ng Libon, Albay

LEGAZPI CITY – Nagpunla ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ng umabot sa limampung libong tilapia fingerlings sa Bacolod River sa bayan ng Libon, Albay.

Ito ay bilang pakikiisa ng ahensya sa pagdiriwang ng 450th founding anniversary ng nasabing bayan.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Pinagunahan ito ni BFAR Regional Director Ariel U. Pioquinto, kung saan kanyang isinaad sa kaniyang mensahe na ito’y nagpapakita na buo ang suporta nila sa mga mangingisda ng rehiyon.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Sa ngayon, patuloy naman ang kanilang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang makapagsagawa ng iba’t ibang mga aktibidad at interbensyon para sa mga ito.