Lalaki patay matapos umanong tamaan ng kidlat sa Quezon

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki matapos umanong tamaan ng kidlat sa Bgy. Casasahan lbaba, Gumaca, Quezon.

Sa ulat ng Gumaca Municipal Police Station, ang biktima na 59-anyos ay natagpuan sa bukid ng nabanggit na lugar kahapon ng hapon.

Base sa imbestigasyon, natagpuan ang katawan ng biktima ng kanyang pamangkin.

Mayroon umano itong sunog sa kanang parte ng braso ng biktima ng matagpuan.

Sa pahayag kaniyang asawa, umalis ang biktima mag aala-sais ng umaga kahapon, upang magpakain ng mga alaga nilang hayop sa bukid.

Batay pa sa ulay ng pulisya, walang nakikitang foul play sa insidente. (BRIGADA INTERN – JOEL RICALDE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *