5 utility vehicle bumagsak sa smoke emission test ng Naga City ENRO; opisina muling nagpa-alala

NAGA CITY – Nasa lima nang utility vehicle ang bumagsak sa Smoke Emission Test o Anti Smoke Belching ng Naga City Environment and Natural Resources na sinimulan kahapon.

Sa panayam Jayson Vargas, Pollution Control and Wastewater Management Division Officer in Charge ng opisina, sa 40 mga sasakyan gaya ng utility vehicle, dump truck, delivery van at ilan pa na sumailalim sa test kahapon, 35 ang pumasa na binalaan lang muna ang limang lumabag at sa susunod na Linggo, magbibigay na sila ng ticket na may penalidad na P1,000.00 ang first offense at depende pa sa sasakyan.

Ayon pa sa opisyal, ang sobrang itim ng usok mula sa mga sasakyan ay mas malaki ang kontribusyon na mabutas pa lalo ang ozone layer na nagpapa-init lalo sa kalikasan. Pagdating naman sa kalusugan ng tao, maaaring magkaroon ng respiratory problem; gaya ng asthma, lung cancer; sa cardiovascular naman, heart attach. Kaya paalala nito sa mga motorista na alagaan ang mga sasakyan at panatilihin na nasa maayos na kondisyon.

Ang naturang test sa mga sasakyan nagpapatuloy ngayon kasabay na rin ang pagtingin sa mga tricycle kung may wastong basurahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *