5 tauhan ng LGU Daraga na sinuspende dahil sa pagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, balik trabaho na

LEGAZPI CITY – Nakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho ang limang tauhan ng LGU Daraga na sinuspende dahil sa paggamit ng illegal na droga.

Ayon kay Mayor Awin Baldo, ito ay matapos na maisailalim na ang mga ito sa programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Rural Health Unit at Daraga Municipal Social Welfare and Development.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Tatlo dito ay miyembro ng Task Force Quarry habang ang dalawa naman ay mula sa Public Safety Officers (PSO) ng nasabing bayan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ani Baldo, ang mga nagpositibo ay mga mild users lang naman at walang criminal record.