NEWS UPDATE!!
BICOL—Hinatulan na ng korte ang padre de pamilyang pumaslang sakanyang sariling dalawang anak nitong Hunyo 2, 2021 sa Brgy. Western Poblacion bayan ng Baras, Catanduanes.
Ayon sa mismong ina ng mga biktima at asawa ng akusado, guilty sa kasong 2 counts of Homicide ang hatol ng korte laban dito, na may kaakibat na humigit kumulang 40 taong pagkakakulong at P300,000 na halaga ng danyos perwisiyos.
Inamin umano mismo ng akusado sa harap ng korte ang ginawa nitong pananaksak patay sa sariling mga anak, at idinahilan na lasing o nasa impluwensiya siya ng alak nang magawa ang krimen.
Labis naman ang pasasalamat ng ina ng mga biktima dahil kahit paano ay nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga anak, sakabila ng paghihinagpis at pagdadalamhati.
Nakatakda nang ilipat sa Muntinlupa ang akusado upang doon pagbayaran ang nagawang pagkakasala. Matatandaang gabi nitong Hunyo 2 nang pagsasaksakin-patay ng padre de pamilya ang dalawang batang anak na babae, gamit ang kutsilyo dahil umano sa away mag-asawa.
Isinugod pa sana sa pagamutan ang mga biktima, ngunit idineklara ang mga itong dead on arrival.###