Unti-unti nang naka-recover sa ngayon ang 5 mga pasyente na nag positibo sa Omicron BA.2.12.1 subvariant matapos ang ilang araw na pag home isolation.
Sa datos ng DOH-Western Visayas, 3 ang nakompermang returning overseas Filipino at 2 ang local cases.
Ang 5 mga nag positibo sa BA.2.12.1 OMICRON sub variant ay fully vaccinated laban sa COVID-19.
Sa ngayon, lahat ng mga pasyente ay asymptomatic at sa ngayon ay nagpapagaling na.
Napag-alaman ng DOH- Wedtern Visayas na 7 ang naging close contacts ng 5 nag positibo sa nasabing variant.
Samantala, 2 ang close contact ng local cases at 5 ang close contacts ng mga returning OFWs.(BNFM-KALIBO-MARIVIC Y. ILIN)
#