LEGAZPI CITY – Halos umabot umano ng apat na taon na hindi nakapagtaas ng sahod ang Bicol Region dahil sa inabutan ito ng pandemya na dapat sana ay maglalabas nang dagdag sahod sa taong 2020 para sa mga manggagawa.
Ito ang inihayag ni Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa press conference para New minimum wage order ng Bicol Region Ayon kay Campita, batay sa Wage Order No. RBV-20 na ipinalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Bicol ang lahat ng mga manggagawa sa Bicol ay makakakuha ng P55 ngayon taon 2022 na dagdag sahod.
Sa unang tranche, P35 na umento ay ipapatupad sa bisa ng wage order sa Hunyo 18, 2022, habang ang pangalawang tranche – ay P20 na dagdag – ay magkakabisa sa Disyembre 1 ng kaparehong taon.
Dahil dito, ang bagong minimum wage para sa mga sektor sa Bicol ay aabot ng P365 sa taon ito mula sa P310 Paliwanag ng opisyal, ang pagtaas ng sahod ay dahil sa bukas na rin ang ekonomiya ng bansa at maging ang business establishment na nagsara ay bukas na rin sa kanilang pagnenegosyo.
Dagdag pa nito, ang naturang hakbang ay isasagawa labing limang (15) araw makalipas na maipahayag ang kautusan kung saan gagawin naman sa araw ng Huwebes.
Samantala, kasabay ng pagpapatupad ng unang tranche sa minimum wage order, para naman sa domestic workers, magiging epektibo na rin sa Hunyo a-desi otso ang karagdagang P1,000 para sa chartered cities at first class municipalities at P1,500 sa iba pang munisipalidad kung saan ang kanilang magiging buwanang sahod ay magiging P4,000.
Dumalo sa pagtitipon ang Board Secretary ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board RTWPB na si Francia N. Ocmer at si Dante L. Encinas, Labor Representative.