5 patay sa pamamaril sa loob ng kampo ng 4th ID, PA

Patay ang limang sundalo kasama ang suspek matapos itong mag-amok sa loob mismo ng Support Service Battalion Headquarters ng 4th Infantry Division Philippine Army sa Camp Evangelista, Barangay Patag dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon kay 4th Infantry Division Philippine Army Spokesperson Major Francisco Garello Jr. na isang M16 rifle ang gamit ng suspek sa pamamaril sa kanyang mga kasamahan na natutulog sa loob ng barracks.

Pawang tama sa ulo ang natamo ng apat na biktima, habang ang suspek naman ay pinaputukan ng ibang miyembro ng militar bilang self-defense.

Maliban sa mga nasawi, ay may isa pang sundalo ang sugatan na patuloy na ginagamot sa Camp Evangelista Station Hospital.
Nagbigay naman ng direktiba si 4th ID Commander Major General Wilbur Mamawag na isang BOI o Board of Inquiry ang bubuohin upang tumutok sa imbestigasyon.

Nagpa-abot rin ng simpatiya ang 4th ID sa mga pamilya ng nasawi at tiniyak nilang mabibigyan ito ng assistance. -END-

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *