Inanunsyo ng Department of Trade and Industry o DTI na umatras ang limang manufacturers sa kanilang kahilingan na magtaas presyo sa mga produkto.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Program, sinabi ni DTI Undersecretary Kim Lokin, nasa 29 na mga manufacturer ang nais magtaas ng presyo noon pang 2022, at lima sa kanila ang nag withdraw ng petition for increase.
Kabilang sa mga nag withdraw ng kanilang taas presyong petisyon ay ang mga gumagawa ng canned sardines, processed milk, bread, instant noodles, salt, detergent soap, toilet soap, candles, condiments, processed and canned meat at beef products.
Malaking dahilan aniya ng pagbawi nila ng petisyon sa taas presyo ay ang inilabas na executive number 41 ng Malacañang, o pagpapatigil ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga lokal na pamahalaan na maningil ng tinatawag na pass through fees.
Maliban dito, nakita rin sa pag aaral na mas mataas ang presyo ng langis noong isang taon kumpara sa mga naitatala ngayong 2023.