Bilang ng mga lugar sa bansa na isinailalim sa red category para sa BSKE umabot na sa halos 360

Umakyat pa sa 357 ang mga lugar sa bansa na isinailalim sa red category para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, 70 percent ng mga lugar na nasa ilalim ng red category ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region o BAR.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nasa 1,323 na mga lugar naman sa bansa ang isinailalim sa orange category at 1,231 lugar ang nasa yellow category.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, nakapagtala naman ng 71 election related incidents ang PNP kung saan 8 ang validated elections-related incidents (ERIs) at 18 ang suspected ERIs.