Wala pang naitatalang kaso ng Query o Q fever sa CALABARZON.
Ito ang iniulat ni DOH Region 4A Regional Director Assistant Secretary Ariel Valencia sa Kapihan sa Bagong Pilipinas.
Aniya, hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa naturang sakit.
Kung sakali man aniyang magkaroon ng kauna-unahang kaso ay agad nilang ipapaalam sa publiko para sa mahigpit nap ag-iingat.
Ang Q fever ay isang sakit na nagmumula sa hayop, karaniwan sa mga kambing at baka na naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng ‘coxiella burnetii bacteria’.
Noong nakaraang buwan, kinumpirma ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry na may naitalang kaso na ng Q fever sa bans ana nagmula sa mga kambing na inangkat mula sa Amerika.
Sa CALABARZON, ang probinsiya ng Quezon ang may mga ginagawa nang hakbang upang magkaroon ng kaalaman ang mga tao hinggil sa sakit.
Kamakailan ay nagbigay ng ilang tips ang Quezon Provincial Veterinary Office sa mga dapat gawin sakaling may sintomas ng Q Fever ang mga alagang hayop.
Ipinaliwanag naman ng DOH Region 4A na bagama’t mga hayop ang karaniwang tinatamaan nito, kailangan pa rin nilang magmonitor lalo’t nahahawa nito ang mga tao.