Ilang magsasaka ng Candelaria, Quezon, sinanay ng ATI Region IV-A sa Rice Production Technology

Pinangunahan ng Agriculture Training Institute (ATI) Region IV-A at Municipal Agriculture Office ng Candelaria, Quezon ang isang pagsasanay patungkol sa rice production technology na ginanap sa Brgy. Buenavista East sa nasabing bayan.

Layunin ng nasabing pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka sa aspeto ng pagtatanim at paggamit ng mga makabagong kagamitang pangsaka.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Tinalakay rin ang mga programa ng Department of Agriculture (DA) sa aspeto ng pagpapalay at ang Rice Tarrification Law.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Tumanggap naman sertipiko at starter kits ang mga magsasakang nakatapos ng enhancement course.

Lubos naman ang pasasalamat ni ATI IV-A Director Marites Piamonte-Cosico sa mga magsasakang nakiisa at naglaan ng oras para sa nasabing pagsasanay. | via Brian Zagala, BNFM Lucena