5 bahay sa Tupi; 3 sa Kor, SoCot., hinagupit ng ipo-ipo!

KORONADAL CITY – SINIRA sa paghagupit ng ipo-ipo ang limang kabahayan sa Sultan Village, Barangay Palian, Tupi, South Cotabato kahapon.

Ito ang inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer o MDRRMO Emil Sumagaysay sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan nasira at natanggal ang ilan sa mga atip ng natumbahang mga bahay kung saan mayroong naitalang totally at partially damaged households.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Sumagaysay, pawang pinutol ang mga kahoy na natumba sa kabahaan ng daan ng Palian at boundary ng Koronadal gayundin sa mga tahanan kung saan, kalat ang pagtama ng ipo-ipo na naitala kung saan mayroon ding mga taniman ng papaya ang apektado sa naturang kalamidad.

Pinasiguro ngayon ng Local Government Unit o LGU Tupi ang tulong para sa mga apektado ng ipo-ipo sa kanilang bayan kasabay sa paglalaan ng pondo para sa naturang mga pamilya.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag ni Sumagaysay, walang naitalang sugatan sa naturang kalamidad kasabay din sa pagkawala ng kuryente sa ilang mga purok ng Barangay Palian. Maaalala, na nagdala ng mahabang trapiko ang natumbang mga puno ng hahoy sa national highway kung saan agad din na na-clear ang daan dakong alas 4:30 ng hapon kahapon.