5 AWOL na pulis sa robbery extortion – handang patunayang inosente sa kaso

Nanindigan ang limang pulis na idinadawit sa robbery-extortion sa Maynila na inosente sila at walang katotohanan ang ‘di umano’y pangongotong nila ng pera sa may-ari ng isang computershop.

Sa pagsuko ng limang AWOL na pulis-Maynila, idiniin nilang kaya raw sila nag-surrender sa mga otoridad ay para mapatunayang wala silang kasalanan.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sinabi pa nila na mayroon silang mga ebidensyang hawak-hawak para igiit ang kanilang pagiging inosente.

Kung maalala, kagabi ay sinabi nilang lehitimo ang kanilang operasyon lalo na’t ‘di umano – ang computer shop na kanilang in-operate ay isa raw online casino hub.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Una nang nasibak ang lahat ng miyembro ng District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) ng Manila Police District kabilang na ang hepe ng unit na ito.

Nasampahan naman na ng patung-patong na kaso ang limang mga pulis.
#