4Ps beneficiaries sa Cabagan, binigyan ng trabaho sa LGU

4Ps beneficiaries sa Cabagan, binigyan ng trabaho ng LGU Nabigyan ng pagkakataon ang 10 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Cabagan, Isabela na magkaroon ng regular working contract sa Lokal na Pamahalaan ng nabanggit na bayan.

Nito lamang ika-11 ng Hunyo ay nagkaroon ng contract signing ang mga benepisyaryo kasama ang Municipal Mayor ng Cabagan na si Mayor Christopher Mamauag.

Ito ay bahagi ng mga intervention plans ng Cabagan upang mabigyan ng tulong ang mga 4Ps beneficiaries na magkaroon ng mas magandang buhay.

Sa inilabas na testimonya ng DSWD, isa sa sampung nabigyan ng trabaho ay si Pamela Taguinod kung saan nagpapasalamat aniya siya sa 4Ps dahil naging malaking instrumento ito upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral.

Sa ngayon ay aabot na sa kabuuang 13 na mga beneficiaries ng 4Ps ang nabigyan ng trabaho sa Lokal na Pamahalaan ng Cabagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *