Dating tambakan ng basura sa Tuguegarao City, inayos

Dating tambakan ng basura sa Tuguegarao City, inayos Inayos at ginawa nang sanitary landfill ng Local na Pamahalaan ng Tuguegarao City ang dating magulo at tambak na tapunan ng basura sa lungsod.

Inihayag ni Mayor Maila Ting-Que na ang pagsasaayos sa nasabing tapunan ng basura ay alinsunod sa nakasaad sa Ecological Solid Waste Management kung saan maliban sa pagtatapon ng basura ay nilagyan din ito ng Airvent upang maiwasan ang sunog.

Maliban dito, ikinokonsidera rin ang pagbili ng mga karagdagang dumptrucks at garbage compactor trucks para sa nagpapatuloy na pagpapatupad ng solid waste management program sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *