NAGA CITY- Pormal nang magsisimula ngayong araw ang Oct. 19, 2023 ang pangangampanya ng mga kandidato ng Barangay at Sanguniang Kabataan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Naga City Police Office Director PCOL. Nelson Pacalso, binigyan diin nitong nasa normal alert level ang kanilang hanay sa lungsod pero hindi pinayagan ang leave kung hindi emergency. Pina-igting ang check point at deployment ng pulisya.
Sinabi rin ng NCPO Director na wala silang nakikitang banta sa buhay ng mga kandidato, ito ay sa kabila ng mahigit 20 ang nababaan ng show cause order ng Commission on Elections (COMELEC) sa reklamo ng umano’y premature campaigning. Wala ring red area ang lungsod.