Mahigit 280 flights, 56 thousand passengers, naapektuhan ng technical glitch sa air navigation facility ng CAAP

Mahigit 280 flights papunta at mula sa Maynila ang kinansela, naantala, at na-divert kahapon dahil sa technical glitch sa air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.

Sa datos na inilabas ng Department of Transportation o DOTr, mayroong 282 flights ang naapektuhan,  268 ang nakansela, pito ang na-divert, at pito ang naantala.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Apektado ang humigit-kumulang 56,000 passengers ng international at domestic airlines.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Ayon sa DOTR, alas kwatro ng hapon kahapon nang bahagyang maibalik ang air traffic sa Ninoy Aquino International Airport kasunod ng technical issues na naranasan sa paliparan.

Sinabi rin ng DOTR na ang nangyaring glitch ay naka apekto sa buong Pilipinas.//CA