440, 823 CamNorteños rehistrado na sa National ID System

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 440, 823 CamNorteños ang rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys).

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Field Office mula nang mag umpisa ang step 2 registration sa lalawigan Hunyo noong nakaraang taon.

Hanggang noong Hunyo 30, 2022 nakapagrehistro ang PSA ng karagdagang 48, 388 na indibidwal.

Para masiguro na lahat ng indibidwal na limang taong gulang pataas ay mairehistro at makapag- avail ng benepisyo, nakipag ugnayan ang PSA sa iba’t- ibang komunidad, opisina at mga eskwelahan para magsagawa ng mobile registration.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa tulong ng Department of Education sa pamamagitan ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo at ng mga principal, sabay- sabay na ginawa ang registration sa iba’t- ibang eskwelahan mula Hunyo 15 hanggang 30 ng taong kasalukuyan.

Anim na eskwelahan ang tinungo ng PSA sa bayan ng Talisay para sa PhilSys registration, apat sa Basud, tatlo sa Vinzons, tig- dalawa sa Jose Panganiban, Mercedes, Paracale at San Vicente.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Habang tig- isang eskwelahan naman sa bayan ng Labo at Capalonga.

Bukod dito nagpapatuloy din ang saturation activity ng PSA sa pamamagitan ng mobile registration sa buong lalawigan.

Habang ang mga LGU- based Registration Centers naman ay operational Lunes hanggang Sabado simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.