Camarines Sur idineklara nang Bird flu free

NAGA CITY – Bird Flu Free na ang Camarines Sur pati ang Davao Del Sur.

Ito ang kinumpirma ng Department of Agriculture Bicol matapos na matanggap ang deklarasyon na Avian Influenza Free na,  inilabas pa ni former Agriculture Secretary William D. Dar.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Kung matatandaan noong Pebrero nakatanggap ng ulat ang DA sa pagkamatay ng maraming mga manok  sa Bula at Sipocot.  Sa pagsusuri may positibo nga sa AI H5N1.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, tagapagsalita ng DA-Bicol sinabing magandang balita ito pero kailangang mag-ingat ang mga nasa poultry industry, may mga kaso pa rin kasi sa ilang bahagi ng Central Luzon.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Ipinayo rin nito na imonitor ang kalagayan ng manok , itik at iba pa upang kaagad na masuri para hindi na kumalat , sinabi ring panatilihing malinis ang mga kulungan.