42K liters ng langis, nakolekta sa MTKR Terranova

Umabot sa mahigit 42,000 liters ng langis ang nakolekta kahapon sa nagpapatuloy na recovery operations sa lumubog na MTKR Terranova sa Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagkabit ng panibagong booster pump sa tanker para mapabilis ang siphoning ng langis.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ginamit na rin ang Current Buster 4 mula sa International Tanker Owners Pollution Federation Limited para sa pagkolekta ng oil waste.

Samantala, kasalukuyang nasa proseso ng refloating ang kinontratang salvor company ng lumubog na MTKR Jason Bradley at sumadsad na MV Mirola 1 sa Bataan.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Nagpapatuloy naman ang pagpapatrolya ng mga tauhan ng PCG upangh matiyak na walang presesniya ng oil sheen sa lugar.