Cotabato City nakapagtala ng mataas ng bilang ng mga nabakunahan kontra COVID19

COTABATO CITY – NAKAPAGTALA kahapon June 21, 2021 ang Cotabato City ng 28 panibagong kaso ng COVID-19. Ito ay base sa pinakabagong tracker na inilabas ngayong umaga ng Bangsamoro Inter Agency Task Force on Covid19.

Sa ngayon nasa 322 ang aktibong kaso ng virus sa lungsod, 162 dito ay admitted at 160 naman ang nasa facility quarantine.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Samantala, masayang ibinahagi ngayon ni City Health Officer Doctor Meyasser Patadon na nakapagtala ang Cotabato City ng record high sa maraming nagpabakuna sa loob lamang ng isang araw.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa facebook post ni Dr. Patadon, kanyang sinabi na abot sa 621 na mga indibidwal ang nabakunahan mula sa limang vaccination site matapos na simulant ang rollout vaccination sa lungsod. Sa kabuuan nasa 𝟏𝟔,𝟑𝟐𝟐 ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine ito ay mula sa Priority Groups A1 hanggang A3.