China funded government project, meron pa rin ayon sa NEDA at DOF

Hindi tuluyang nawala ang mga Chinese investors na nag popondo sa ilang proyektong pang imprastraktura sa bansa.

Ito ang sinabi ng Department of Finance o DOF at ng National Economic and Development Authority o NEDA sa Build Better More Forum sa New Clark City.

Read More:  Palace denies Trump visit linked to Quiboloy extradition proceedings

Ayon kay DOF Usec. Rolando Tungpalan na kabilang sa mga infra projects na China funded ay ang Kaliwa dam project at Samal Island Connector Bridge.

Sa datos ng pamahalaan, sa kabuuang 185 flagship infrastructure project o IFPs sa ilalim ng Build Better More program, 82 projects dito ang pinondohan sa pamamagitan ng Official Development Agenda o foreign loan, 50 projects ang pinondohan ng pamahalaan, at meron namang 43 na sa pamamagitan ng PPP o Public-Private Partnership.

Read More:  GCash rolls out upcoming ‘No Signal Pay’ feature for offline transactions