Ilang bayan ng Southern Cebu, nananatiling inaccessible

Nananatiling inaccessible ang ilang bayan sa southern Cebu, apat na araw matapos tumama ang Bagyong Odette sa naturang probinsya.

Pero ayon kay PDRRMO chief Neil Sanchez, iche-check at ia-assess pa nila ang sitwasyon sa 12 iba pang bayan sa south.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Sinabi ni Sanchez na ang access mula sa Cebu City ay hanggang sa Argao lang, kung manggagaling sa east coast ng isla.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Ang mga bayan ng southwestern coast ng Cebu ay mahirap ma-access dahil sa debris, kabilang na ang mga natumbang puno at poste.

Ayon kay Sanchez, mas lalong naging mahirap ang access dahil sa kawalan ng communication signals. //MHEL PACIA-TRINIDAD