4 na sundalong sugatan sa bakbakan, nasa maayos na kalagayan; pagtugis sa mga rebelde, nagpapatuloy

Nasa maayos nang kalagayan ang apat na kasundaluhan na bahagyang nasugatan sa nangyaring engkwentro ng mga kasapi ng 95th Infantry Battalion laban sa mga rebeldeng NPA sa bahagi ng  Capellan, City of Ilagan noong umaga ng August 13, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Maj. Jekyll Dulawan, ang chief of DPAO ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nagtamo ng sugat sa kamay at paa ang apat na sundalo na agad nalapatan ng lunas at kasalukuyang nagpapagaling na sa 5ID station hospital.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang focus military operation ng mga kasapi ng 95IB at 502nd na nakabase sa bayan ng Echague, Isabela katuwang ang Tactical Operations Group 2.

Malaki rin ang paniniwala nila na may nasugatan sa panig ng mga rebelde dahil sa mga nakitang bakas ng dugo kung saan pumwesto ang mga rebelde.

Posibleng kasama sa nakasagupa ng militar ang lider ng mga rebelde dahil sa narekober na riffle na karaniwang hawak ng mga liderato ng grupo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Aniya, hanggat maari ay ayaw na sanang magkaroon ng bakbakan o labanan dahil mahirap na may mga nasusugatan sa panig man nila o sa mga rebelde kaya hinikayat nito ang mga rebeldeng ibaba na ang kanilang armas at tamasahin ang tunay na kapayapaan.

Inihayag din ni Maj. Dulawan ang pasasalamat sa mga mamamayan sa kanilang kooperasyon upang masugpo na ang insurhensiya at terorismo sa probinsya.