4 na pulis – hinatulang guilty para sa pagpatay sa mag-ama sa Caloocan sa kasagsagan ng war-on-drugs noong 2016

Hinatulang guilty sa kasong ‘homicide’ ang apat na mga pulis na ‘di umano’y sangkot sa pagpatay sa isang mag-ama sa kasagsagan ng isang anti-illegal drugs operation sa Caloocan noong 2016.

Kabilang sa mga convicted ay sina Police Master Sergeant Virgilio Cervantes; at Police Corporals Arnel de Guzman, Johnston Alacre, at Artemio Saguros.

Ang desisyon ay mula kay Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121.

Maaalalang ang mga biktima noong 2016 ay nakilalang sina Luis at Gabriel Bonifacio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *