PCG, naghain ng reklamo sa pitong tripulanteng Chinese na illegal na pumasok sa karagatan ng Zambales

Bukod sa paglabag sa Philippine Immigration Law, sinampahan rin ng reklamong paglabag sa Serious Disobedience to an Agent of Person in Authority ng Philippine Coast Guard ang pitong tripulanteng Chinese na ilegal na pumasok sa bisinidad ng San Felipe, Zambales.

Kabilang sa inireklamo ang kinatawan ng may-ari ng barko kung saan itinakda ngayong huwebes, June 20, ang preliminary investigation sa provincial prosecutors office ng Zambales.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Matatandaang nitong May 15, 2024 nang dumating sa bansa ang barkong MV Hyperline 988 na lulan ang mga chinese, na napag-alamang galing Hongkong noong May 11.

Bukod sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas, hinuli ng mga tauhan ng PCG ang naturang mga dayuhan dahil sa bigong magpakita ng kaukulang dokumento, tulad ng pasaporte, seamans book at listahan ng crew.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Nang makipag-ugnayan ang PCG sa mga tripulante, nakapatay rin ang Automatic Identification System nito at hindi rin sumagot sa radyo kaya naging kwestiyonable ang ginagawa ng naturang barko sa bansa.

Sa ngayon nasa kustodiya pa rin ng PCG Zambales ang mga tripulanteng Chinese.