Extradition hearing para kay dating Rep. Teves, natapos na ayon sa DOJ

Tapos na ang extradition hearing ng dating kongresista na si Arnie Teves.

Ayon sa Department of Justice, binigyan lamang ng hanngang limang araw ang magkabilang panig para makapagsumite sa Court of Appeals ng Timor Leste ng kanilang Memorandum o Position paper na naglalahad ng kanilang mga argumento.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Pagkatapos nito, limang araw din ang ibibigay sa korte para makapaglabas ng desisyon na inaasahan bago o pagkatapos ng linggong ito.

Umaasa naman ang DOJ na maglalabas ng paborableng desisyon ang Court of Appeals lalo’t epektibo anila ang pagkontra ng mga tumestigong opisyal ng gobyerno laban sa mga argumento ng kampo ng dating mambabatas.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Si Teves ang iinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa noong 2023.