BICOL- Inalarma ng Department of Health (DOH) Bicol ang publiko matapos maiulat ang apat na kaso ng Covid 19 Omicron Variant sa National Capital Region.
Babala ng ahensya sa mga Bicolano, particular na ngayong nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon kung saan bagamat patuloy na ang pagdalang ng naitatalang kaso ng local transmission sa mga lalawigan ay hindi pa rin ito dapat na ikakampante.
Paalala ng DOH maging sa mga fully vaccinated individuals na agad na sumailalim sa COVID 19 test, oras na makaranas ng anumang sintomas ng sakit.
Dahil dito inaasahan ang mas pinaigting na pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa mga local government units bilang parte ng paghahanda ng ahensya sa posibleng pag pasok ng Omicron Variant sa rehiyon.
Pakiusap naman ng DOH sa publiko na magpabakuna na kontra sa virus at mahigpit na panatilihin ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards bilang pangunahing sandata pa rin laban sa nakamamatay sa sakit.###bi