Wala nang aktibong kaso ng Covid-19 ang apat na bayan sa Lalawigan ng Isabela batay sa datos ng Isabela Integrated Provincial Health Office na inilabas ngayong araw, February 21, 2022.
Ayon sa Isabela PIO, zero case na sa covid-19 ang bayan ng Benito Soliven, Cabatuan, Divilacan at San Guillermo.
Mayroon namang naitalang 20 na panibagong kaso ng nasabing virus kung saan siyam (9) rito ay mula sa Santiago City, tigtatlo ang San Mateo at Jones, dalawa sa Tumauini at tig-isa ang Delfin Albano, San Agustin at Sta. Maria.
Habang ang ang mga hindi naman nabanggit na siyudad at munisipalidad sa lunsod ay wala nang naitalang panibagong aktibong kaso ngayong araw.
Dahil dito ay nasa 176 na ang kabuoang aktibong kaso sa lalawigan ngunit naitala naman ngayong araw ang 30 new recoveries.
Sa ngayon ay nasa 68, 803 na ang ang total cumulative cases sa lalawigan, 66,397 ang total recoveries at 2,235 naman ang total deaths.