Papel ng Barangay officials sa pagtugon sa Covid-19, ipinaalalang muli ng DILG-Sorsogon

SORSOGON CITY – Muling ipinaalala ni DILG Sorsogon Provincial Director Julius Rodel Cal-Ortiz ang tungkulin ng mga barangay officials sa pagtugon sa COVID-19.

Sa panayam ng Brigada News sa opisyal, tinalakay nito ang mahalagang papel ng mga pinunuo ng barangay at iba pang halal na opisyal sa pagsuporta sa programa ng pagbabakuna ng pambansang pamahalaan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pahayag ito ng opisyal sa harap ng mga report na umano’y may mga Barangy Captain sa lalawigan na hindi naniniwala sa bakuna at ayaw magpabakuna ang naiimpluwensyahan ang kanilang mga nasasakupan na huwag din magpabakuna.

Aniya, iginagalang ng DILG ang mga opinyon at personal na paniniwala ng opisyal ng barangay kung ayaw ng mga itong magpabakuna ngunit binalaan sila na huwag maghatid ng maling impormasyon at iba pang maling propaganda kaugnay ng bakuna upang mahikayat ang mga residente na hindi mabakunahan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinaalalahanan din niya ang mga ito na kabilang sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga halal na opisyal na suportahan at ipatupad ang lahat ng mga programa ng gobyerno at hindi ang kabaliktaran nito.