4 lungsod sa NCR, nasa moderate risk na lang ng COVID-19 – Octa

Inihayag ng Octa Research Group na nasa modirate risk na lamang ang apat na lugar sa Metro Manila.

Kabilang dito ang Navotas, Malabon, Manila at Caloocan.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Ayon sa grupo ang nabanggit na mga lugar ay nakapagtala ng 10 per 100,000 attack rate.

Sinabi din ng Octa na bumaba ng 30% ang average COVID-19 new cases per day sa NCR kumpara sa nakalipas na linggo.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Maliban dito nabawasan din ang reproduction rate sa Metro Manila na nasa 0.57 na lamang.