‘4-door’ strategy, ipatutupad ng DoH vs monkeypox

Tuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay at monitoring ng mga Health Officials para sa pinaghahandaang posibleng pagpasok ng nakahahawang monkeypox sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Undersecretary Abdullay Dumama Jr. na nagpatupad ng ‘four-door strategy’ ang gobyerno para mahigpit na ma-screen ang mga lalabas at papasok ng ating bansa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa ilalim nito, pag-aaralan ang posibilidad ng implementasyon ng mga travel restrictions at bans sa mga lugar na mayroon nang naitalang outbreak ng monkeypox.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Kagaya ng mga protokol para sa COVID-19, titiyakin din ang mahigpit na screening sa mga paliparan, mas maigting na testing, at posibleng quarantine sa mga ito.
#