NAGA CITY- Ginising sa pagkakatulog ang maraming taga Naga at Camarines Sur alas 3:18 ng madaling araw kanina, Nov. 30, 2023.
Niyanig ng 4.5 Magnitude na lindol ang lalawigan. Sa ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol ay may lalim na 007 km , epicenter ang 13.71°N, 123.33°E – 011 km S 4° W ng bayan ng Tinambac.
Naramdaman ang tila ba pagduyan kanina , Intensity IV sa Naga. Sa Instrumental Intensities naman: Intensity IV – Pili, Intensity III – Pasacao, Intensity II – Guinayangan sa Quezon, Intensity I sa Tabaco, Albay; Jose Panganiban, Camarines Norte ; Polillo, Quezon at Donsol, Sorsogon. Ayon sa ating mga KaBrigada napakalakas sa Calabanga , Ocampo, Tigaon, Canaman at ilan pang mga bayan.
Nagdulot din ito ng takot sa mga taga Naga at Camarines Sur ayon sa mga residenteng nagbahagi ng karanasan. Pinag-iingat ang publiko sa posibleng after shocks.
Laging tandaan ang duck , cover and hold.