3rd Marine Brigade, inaksyunan na ang reklamo kaugnay sa mga bala na tumagos sa kabahayan sa Bgy. Tiniguiban.

Inaksyunan na ng 3rdMarine Brigade ang reklamo ng mga residente kaugnay sa mga bala na tumatagos umano sa ilang kabahayan sa Purok Kaakbayan Bgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City.

Ayon kay 3rd Marine Brigada Col. Jimmy Larida, mahigit tatlong buwan nilang inayos ang kanilang firing range upang matambakan  at nakipag –ugnayan sila sa barangay, PNP, city government upang  makita ang lugar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan buwan ng Marso, 2021  tinalakay sa Brigada News FM ang hinanaing ng mga residente dahil sa pangambang dulot ng mga ligaw na bala, itinanggi ng 3rd Marine Brigade na sa kanila nagmula ang mga bala na tumagos sa ilang kabahayan.

Sa kasalukuyan, natapos na ang idinagdag na harang sa kanilang firing range.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Tinatayang 30 feet ang taas ng bakod upang masiguro na hind na tatagos ang mga bala ng baril gaya ng mga ipinarating na reklamo ng mga residente.

Nagkaroon ng fun shoot ngayong araw June 11, 2021 kasama ang mga media upang tiyakin kung may makakalusot pa bang mga bala.