COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 36K

BICOL—Pumalo na sa 36,029 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 274 na mga panibagong nagpositibo sa sakit.

Pinakamataas pa rin ang mga kaso mula sa Camarines Sur na may 215 kung saan 24 nito ay mula sa Iriga City, 22 sa Ragay, 20 sa Nabua, 16 sa Magarao, tig-15 ang Calabanga at Canaman, 13 sa Naga City, 12 sa Buhi, siyam sa Gainza, tigwalo ang Bato at Pili, tig-aanim ang Bombon, Goa at Tinambac, tiglima ang Baao at San Fernando, tigtatlo ang Lagonoy at Minalabac, tigdalawa ang Bula at Caramoan at tig-iisa ang Balatan, Camaligan at Ocampo.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

40 ang bagong kaso sa Albay, 13 sa Ligao City, sampo sa Libon, lima sa Sto. Domingo, tigtatlo ang Daraga at Guinobatan, tigdalawa ang Polangui at Tabaco City at tig-isa ang Bacacay at Tiwi.

Mayroon namang 18 na bagong kaso ang Masbate kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Claveria, apat sa Masbate city, dalawa sa Placer at isa sa Cawayan at Mandaon.

Isang kaso ang naitala sa Sorsogon na mula sa bayan ng Irosin habang kapwa zero positive new cases ang Camarines Norte at Catanduanes.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, 99 na mga bagong gumaling ang nadagdag kung kaya pumalo na sa 23,653 ang total recoveries kung saan 50 nito ay mula sa Camarines Sur at 49 sa Sorsogon.

Umabot na rin sa 1,086 ang death toll matapos magtala ng anim na panibagong nasawi kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm