37-anyos na lalaki, huli matapos makumpiskahan ng ₱61k halaga ng hinihinalang shabu sa Alabat, Quezon

Huli ang isang 37-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa ikinasang search warrant ng mga awtoridad sa tahanan nito sa Barangay 5 Poblacion, Alabat, Quezon nitong Miyerkules, Hulyo 17.

Batay sa report, bandang alas-5:50 ng umaga ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Gibson”, residente ng nasabing bayan.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Nakumpiska naman sa suspek ang nasa tatlong (3) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱61,000, isang coin purse at isang plastic box

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.