Kahandaan sa pagiging host ng Legazpi, Albay, para sa nalalapit na PRISAA 2024, nasa 85% na; mga delegado, nagsimula nang magsidatingan

LEGAZPI CITY – Nasa 85% nang handa ang lungsod ng Legazpi para sa pagiging host ng gaganaping Private Schools Athletic Association National PRISAA Games 2024 na magsisimula na sa Sabado.

Ito ang kinumpirma ni Department of Education Legazpi Division Sports Officer Francisco Dexter Sison kung saan sila ay nasa finishing touches na lamang habang 90% na ring handa ang mga billeting areas na tutuluyan ng mga delegado at sinisigurong ang mga ito ay magiging kontento at ligtas.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, nagsimula na ring magsidatingan sa lungsod ang mga delegado kung saan inaasahang kabuuang 10,000 ito kapag nakompleto habang mayroon namang inihandang 15 billeting schools sa legazpi at sa tulong ng DEPED Albay nagkaroon 2 pa sa Daraga.

Dagdag pa ni Sison, puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng mga otoridad gaya na lamang ng Engineering office, Public Safety Office, hanggang sa Barangay level kasama ang mga tanod pati na na rin ang pag-alerto sa Incident Management Team (IMT), na binubuo ng PNP, BFP, Red cross, Health offices, Water district, ALECO at iba pa na isang multi-sectoral center, na handa sa pagresponder sa anumang kailangan ng mga delegado.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution