CAMARINES SUR – Muling isinagawa sa bayan ng San Jose, Camarines Sur, ang regular na Fair Trade Law o pag-inspeksyon sa mga business establishment o tindahan, bilang pagtitiyak kung nakakasunod sa mga ipinapatupad ng Department of Trade and Industry Camarines Sur.
Ayon kay Provincial Director ng DTI Cam. Sur, Jay Ablan, magandang balita dahil mga compliant lahat, ibig sabihin hindi lumalabag ang mga negosyante sa bayan, lahat may may Philippine Standard Mark kung gawa sa lokal ang mga produkto, Import Commodity Clearance naman kung galing ng ibang bansa, na nagpapatunay na ligtas at de kalidad ang mga ibenibentang produkto, gaya sa mga sari-sari store, hardware at ipa ba.
Paalala muli ng opisyal na hindi bababa sa P25, 000.00 hanggang P200, 000.00 ang penalidad depende pa sa halaga ng nakompiskang mga produkto sa mga hindi compliant lalo na’t maliban sa nais nilang maprotektahan ang mga produkto, mas higit ang mga mamimili.
Dagdag pa ng opisyal nasa mga Lokal na Gobyerno ang pagpapasara ng negosyo kung ilang beses nang lumabag at sila lamang ay tutulong katulad sa nangyari sa isang negosyo sa Partido Area upang matigil din ang pagbebenta ng mga sub-standard na mga construction materials.