36 NA MGA ALKALDE SA MAGUINDANAO MULING NAGPAKITA NG SUPORTA SA BTA EXTENSION

INILABAS na ang isang nilagdaang resolusyon ng League of Municipalities of the Philippines – Maguindanao Chapter na nagpapakita ng suporta sa panukalang pagpapaliban ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Makikita sa mga pinirmahang resolusyong ito ang lagda ng 36 na mga alkalde mula sa probinsya ng Maguindanao na hayagang sumusuporta sa extension ng BTA.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa ngayon mas dumarami pa ang grupo o organisasyon na nagpapahayag ng pagsang-ayon sa isinusulong na BTA extension dahil sa paniniwalang kulang pa ang tatlong taon upang maimplementa ang lahat ng mga naging kasunduan ng MILF at Pamahalaan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Matatandaang nabuo ang bagong tatag na rehiyon (BARMM) mula sa higit apatnapung taon na pakikibaka ng MILF hanggang sa pumasok sa pag-uusap at nagkasundo sa gobyerno ng Pilipinas na pinagtibay ng Bangsamoro Organic Law o BOL.