36 na kabahayan, nasunog sa Puerto Princesa kagabi; 1 lalaki, nagtamo ng 2nd degree burn

Nasunog ang tatlumpo’t anim na kabahayan sa purok Maligaya sa Barangay Mandaragat, Puerto Princesa bandang alas-diyes kagabi.

Ayon kay Punong Barangay Gerry Abad, 35 lima rito ang totally damage habang 1 ang partialy damage na boarding house.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa inisyal na pagtataya, 273 ang naapektuhang indibidwal matapos mawalan ng tinitirhan at ari-arian.

Isang lalaki naman ang naiulat na nagtamo ng 2nd degree burn sa balikat matapos na hindi agad makalabas sa kanyang tinitirhan kaya kinailangan itong dalhin sa pagamutan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa kasalukuyan, nananatili sa barangay hall ang mga naapektuhan kung saan kinakailangan nila ng mga pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.