Ilang lugar sa Bulacan lubog pa rin sa baha

Mataas pa rin ang baha sa ilang bayan sa Bulacan kaya pahirapan ang pagsagip sa mga apektadong residente.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bulacan posibleng aabot sa isang linggo bago bumaba ang lebel ng tubig lalo na sa Meycauayan Bulacan.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Inuuna munang ilikas ng mga rescuer ang mga nasa vulnerable sector at mga bahay na nasa mababang area. Kasama ang Meycauyan Bulacan sa pinaka-apektado ng baha.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Sinabi ng Bulacan LGU mas mataas ng one meter ang bahang naranasan nila mula sa habagat na dala ng Carina kumpara noong Undoy.