Umabot na sa mahigit 3,400 ang mga stranded na mga pasahero at sasakyan sa mga pantalan na apektado ng sama ng panahon na dulot ng Bagyong Kristine.
Sa datus mula sa Philippine Coast Guard (PCG) kaninang alas 12 ng hatinggabi hanggang alas 4 ng umaga ,may kabuuang 3, 418 na mga pasahero sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Bicol region at Eastern Visayas kasama na rito ang mga drivers at pahinante.
Nasa 26 vessels,, 679 rolling cargoes at 11 motorbancas ang mga stranded habang 54 vessels at 67 motorbancas ang nag-take shelter.
Kabilang sa mga stranded na barko dahil sa bagyo sa Southern Tagalog ay mula sa
- Real Port
- Patnanungan Port/ Jomalig Port
- Port of Lucena
- Port Of Cotta
- Port Of San Andres
- Balanacan Port
- Buyabod port
- Salomague Port
Habang Bicol Region ay sa
- Tabaco Port
- Pioduran Port
- Virac Port
- Masbate Port/Mobo Port
- San Jacinto Port
- Matnog Port
- Bulan Port
- Pilar Port
- Castilla Port