SP Chiz: Joint EJK inquiry ng Senado at Kamara – malabo

Binigyang-diin ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi maaaring magsanib ang Senado at Kamara sa pag-eembestiga sa drug war noong nakaraang admistrasyon.

Ito ay kasunod nang mungkahin ni Quad Comm Chairperson Rep. Robert Ace Barbers na magsama na lamang ang mga senador at kongresista sa pagsisiyasat sa drug war at pati na rin sa sangkot sa extra judicial killings dito.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Ayon kay Sen. Escudero, ‘tempting’ man ang idea ay hindi ito maaari dahil walang rules para sa pagsasagawa ng joint investigation.

Mababatid na ayon sa konstitusyon, maaari lamang magsanib ang Kamara at Senado sa joint session kung ito ay para sa State of the Nation Address ng Pangulo, pagkacanvas ng boto sa presidential at vice-presidential elections, kapag magdedeklara ng giyera, kapag irerevoke o palalawigin ang martial law at suspensyon ng Privilege of the Writ of Habeas Corpus.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case