33,000 batang malnourished sa Ethiopia pinangangambahang masawi

Aabot sa 33,000 severely malnourished children sa Tigray Ethiopia ang nasa peligro ng pagkamatay dahil sa matinding gutom

Ito ang babala ng UN Children Agency na UNICEF.

Ayon sa report, umabot na sa catastrophe ang level ng food situation sa rehiyon dahil sa patuloy na kaguluhan doon

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Iginiit ng UNICEF na nasa peligro ang buhay ng 33,000 na mga bata at sanggol dahil sa pagkakasakit bunsod ng malnutrisyon habang nasa 2-million na mamamayan ang sinasabing nasa “severe crisis”

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Matatandaan na labis na labis na naapektuhan ang Tigray sa sagupaan ng government troops at ng mga rebelde kung saan umabot na sa 1.7 million na mga mamamayan ang na-displaced simula noong Nobyembre 2020.

Sa kabila nito, itinatanggi ng Ethiopia ang report ng UN na mayroong kagutuman sa ilang bahagi ng kanilang bansa.